-- Advertisements --
Vatican Rome 1

Muling nagkita sa ika-apat na pagkakataon sina US President Joe Biden at Pope Francis sa Vatican City.

Ito ang simula ng European tour ng lider ng Amerika bago siya dumalo sa G-20 Summit sa Rome.

Naging mahigpit naman ang Vatican at White House sa pagkuha ng mga larawan at videos sa naging pagkikita ng dalawa.

Magugunitang kinansela ng Vatican ang unang plano nito na live broadcast sa pagkikita ng dalawa.

Nauna nang sinabi ng White House na hindi lamang ang personal na mga dahilan ang pagbisita, kundi tatalakayin din sa pagkikita ng dalawa ay may kaugnayan kung paano tapusin ang COVID-19 pandemic, usapin may kaugnayan sa climate crisis at ang pagpapaibayo sa pagtulong sa mga mahihirap.

Napag alaman na si Biden ang pangalawang naging Catholic na US president.

Ito ang unang pagkakataon sa halos kalahating siglo na isang Roman Catholic U.S. leader ang nakipagkita sa lider ng Catholic Church sa Vatican.

Ang pagkikita ng dalawa ay mistulang reunion dahil una na silang nagkita noong 2013 noong bise-presidente pa lamang si Biden, noong 2015 nang magsagawa nang three-city US tour ang Santo Papa at noong 2016 sa Vatican conference.