-- Advertisements --
Joe Biden Pope Francis Vatican

Personal na nakausap ni US President-elect Joe Biden si Pope Francis.

Ayon sa kaniyang transition team, pinasalamatan ni Biden ang Santo Papa dahil sa pagbati nito sa kaniya.

Pinuri aniya ni Santo Papa ang pagsusulong ni Biden ng kapayapaan at pag-aayos sa iba’t -ibang bansa.

Kung maalala ang Democratic president-elect ay pangalawang US president kasunod kay John F. Kennedy na isang Catholic.

Magugunitang ilang mga world leaders na rin ang personal tumawag kay Biden matapos na ito ay magwagi sa katatapos na halalan sa Amerika.