-- Advertisements --

Nakipagpulong si Pope Francis kay George Pell ang Australian cardinal na tinanggal matapos masangkot sa child sexual abuse.

Naging sekreto ang pagkikita ng dalawa at hindi na nagbigay pa ng ibang detalye sa pagkikita ng dalawa.

Sinabi ni Cardinal Pell na naging maganda ang pagkikita nila ng Santo Papa.

Ang 79-anyos na dating treasurer ng Vatican ay nakulong ng isang taon matapos na hatulan ng anim na taon pagkakakulong hanggang mabasura ang kaso nito noong Abril.

Taong 2017 ng umalis ito sa Vatican para depensahan ang alegasyon laban sa kaniya.