-- Advertisements --
Nagkaisa sina Pope Francis ang mga matataas na imam sa Indonesia na nanawagan ng kapayapaan.
Sa pagbisita ng Santo Papa sa Istiqlal mosque sa Jakarta ay pumirma ito ng declaration on religious harmony at environmental protection.
Kasama niya si grand imam Nasaruddin Umar na nagtungo sa “Tunnel of Frienship” na makikita doon ang mga palatandaan ng pagkakaisa ng iba’t-ibang relihiyon.
Nasa Indonesia kasi ang Santo papa sa 11-day visit niya sa rehiyon kung saan sa huling araw nito sa Jakarta ay nagsagawa ito ng misa.
Umabot sa mahigit 80,000 na mga tao ang dumalo sa misa nito sa main football stadium.
Matapos ang pagdalaw nito sa Indonesia ay didiretso na siya sa Papua New Guinea, Timor Leste at Singapore.