-- Advertisements --
Nabakunahan na ng ikalawa at huling dose ng COVID-19 vaccine si Pope Francis at Pope emeritus Benedict XVI.
Nauna ng binakunahan ang Santo Papa at si Benedict ng unang dose ng bakuna noong Enero 14.
Sinimulan ng Vatican ang pagsasagawa ng COVID-19 vaccination noong Enero 13 kung saan ang mga residente, empleyado at maging ang kanilang kaanak ay nabakunahan na ng Pfizer-BioNtech sa atrium ng Paul VI hall.
Nakatakdang bigyan din ng bakuna ang mga Vatican journalist na makakasama ni Pope Francis sa pagbiyahe nito sa Iraq sa darating na March 5-8.