Muling nagkaharap sina Pope Francis at Ukrainian President Volodymyr Zelensky ng bumisita ito sa Rome, Italy nuong Sabado.
Ibinunyag din ng Berlin ang panibagong weapons package na gagamitin counteroffensive ng Ukrain.
Umabot sa 40 minuto ang pulong nina Zelensky at Pope Francis sa Vatican.
Una ng nakipag pulong si Zelensky kay Italian Prime Minister Giorgia Meloni, na nagpahayag ng malakas na suporta sa Kyiv kasunod ng ginanawang pananakop ng Russia nuong February 2022.
“I am very grateful to him for his personal attention to the tragedy of millions of Ukrainians,” pahayag ni Zelensky.
Ayon kay Zelensky, kanilang napag-usapan ng Santo Papa ay ang kapalaran ng “tens of thousands of children” na sinasabi ng Kyiv na ipinatapon sa Russia, pati na rin ang mga plano nito para sa kapayapaan.
Patuloy na nanawagan si Pope Francis para sa kapayapaan sa Ukraine at naghangad na gumanap ng isang tagapamagitan ngunit ang kanyang mga pagsisikap ay hindi pa nagbubunga ng anumang mga resulta at siya ay nahaharap sa pagpuna dahil sa hindi pagsisi sa Russia para sa digmaan.
Sa pahayag ng Vatican, napag-usapan ni Pope Francis at Zelensky ang ang “makatao at pampulitikang sitwasyon sa Ukraine na dulot ng patuloy na digmaan subalit di nito binanggit ang Russia.
Ito ang kauna-unahang pagbisita ni Zelensky sa EU at NATO member Italy simula ng sakupin ng Russia ang Ukrain.
Nitong Sabado, iniulat ng Germany na nasa 2.7 billion euros o katumbas ng $2.95 billion ang inilaang bagong weapons package para sa Ukrain.
Ito na ang pinakamalaking ayuda ng Berlin simula ng pagsalakay ng Russia sa Ukrain.
Tumagal naman ng 70-minuto ang pag-uusap nina Zelensky at Italian Prime Minister Giorgia Meloni na nagpahayag ng suporta sa Kyiv.