-- Advertisements --
Nakatakdang magpulong si Pope Francis at Ukrainian President Volodymyr Zelenskiy.
Ayon sa Vatican, gaganapin ang pagkikita ng dalawa sa araw ng Biyernes.
Huling nagkita ang dalawa noong Group of Seven (G7) Summit sa Italy noong Disyembre ng nakaraang taon.
Sa pananatili ni Zelensky sa Rome ay makakapulong din nito si Italian Prime Minister Giorgia Meloni.
Magugunitang binatikos ng mga Ukrainian ang Santo Papa dahil sa pahayag nito na dapat ay sumuko na lamang sila para matigil na ang kaguluhan nila ng Russia na nagsimula pa noong Pebrero 2022.