-- Advertisements --

Nakatakdang bumisita sa Luxembourg at Belgium si Pope Francis sa buwan ng Setyembre.

Kinumpirma ito ng Vatican sa isang international trip ng aktibong 87-anyos na Santo Papa.

Sa Setyembre 26 ay magtutungo ito sa Luxembourg at sa Belgium ng hanggang Setyembre 29.

Sinabi ni Vatican spokesman Matteo Bruni na sa Belgium ay magtutungo ito sa Brussels, Leuven at Louvain-la-Neuve.

Inaasahan na makikibahagi ang Santo Papa sa ika-600 anibersaryo ng Catholic University ng Leuven/ Louvain.

Bago ang nasabing biyahe ay magtutungo ang Santo Pap asa Asya at Oceana sa Setyembre 2-13.