Nakatakdang bumisita sa Thailand at Japan sa buwan ng Nobyembre si Pope Francis.
Ayon sa Vatican, isasagawa ng Santo Papa ang pagbisita sa Thailand mula Nobyembre 20 hanggang 23.
Isusunod naman nito na bibisitahin ang Japan mula Nobyembre 23 hanggang 26.
Sinabi ni Japanese chief cabinet secretary Yoshihide Suga, na bibisita ang Santo Papa sa dalawang lugar na tinamaan ng atomic bomb ng US, ito ay ang Hiroshima at Nagasaki.
Ito ang unang papal trip sa Japan mula pa noong 1981.
Habang sa Thailand naman ay dadalo ang Santo Papa sa 350th anniversary ng founding of the “Mission de Siam” ni Pope Clement IX na siyang nanguna sa mission sa Siam ang unang tawag sa Thailand.
Mayroon lamang 2% ang populasyon ng katolika sa Thailand.
Huling bumisita si Pope John Paul ang Thailand noong 1984.