-- Advertisements --

Nakatakdang bumisita sa Lebanon si Pope Francis sa darating na Hunyo.

Nakasaad sa isang pahayag ng presidency ng Lebanon na sinabihan ni Apolostic Envoy Joseph Spiteri si President Michel Aoun na bibisita ang santo papa sa kanilang bansa sa darating na Hunto.

Dati nang nangako si Pope Francis ng pag-bisita sa nasabing bansa kasabay ng kanyang naging pahayag ang nararamdang pagkabahala laban sa lumalalang krisis dito.

Magugunita na noong nakaraang buwan ay nakipagpulong si Pope Francis sa pangulo ng Lebanon.

Habang noong naman Nobyembre, nakipagpulong siya Pope Francis kay Muslim Prime Minister Najib Mikati ng Lebanon sa Vatican.

Ito na ang ikatlong pagkakataon na bumisita ang isang santo papa sa nasabing bansa mula pa noong pagtatapos ng Lebanon civil war noong taong 1975-1990.