Binigyang pugay ni Pope Francis ang mga mamamahayag na nasawi o nakulong habang ginagampanan ang kanilang mga trabaho at ipinagtatanggol ang malayang pamamahayag.
Sa kaniyang lingguhang mensahe sa St. Peter’s Square sa Vatican, sinabi nito na nararapat na papurihan ang mga mamamahayag na matapang na iniuulat ang mga nangyayaring panghihimasok sa mga sankatauhan.
Ang nasabing mensahe ng Santo Papa ay bilang bahagi ng World Press Freed Day ng United Nation sa darating na Mayo 3.
Base sa listahan kasi ng UNESCO na noong 2021 pa lamang ay mayroong 55 journalist at media workers ang nasawi.
Nauna rito noong nakaraang buwan ay kinilala din ng Santo Pap ang mga journalists na napatay dahil sa pag-cover nila sa nangyayaring giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Hindi rin pinalampas ng Santo Papa ang kaniyang pagkadismaya sa mga nagaganap na kaguluhan sa Ukraine.