-- Advertisements --

Bago magsimula ang Semana Santa, binisita nitong Sabado ng tanghali ni Pope Francis ang Papal Basilica of Saint Mary Major sa Rome. 

Sa pahayag, pumasok ang santo papa sa basilica upang magdasal sa harap ng imahen ng Virgin Mary o kilala bilang Salus Populi Romani.

Ito rin ang ika-126 na pagkakataon na bumisita si Pope Francis sa simbahan upang magbigay pugay sa imahen ng Virgin Mary. 

Ang pagbisita na ito ni Pope Francis ay bilang tanda ng kanyang pagbabalik sa publiko matapos maospital dahil sa respiratory infection. 

Sa ngayon, hindi pa kinukumpirma ng Vatican kung makadadalo ang Santo Papa sa pagdiriwang ng Pasko ng pagkabuhay.