-- Advertisements --

Surpresang binisita ni Pope Francis ang mga homeless at mahihirap mula sa Roma na nakapila sa Vatican para sa libreng pagpapaturok ng COVID-19 vaccine.

Binati ng 84-anyos na Santo Papa ang mga doktor, nurses, charity workers at mga magpapabakuna sa isang pinasadyang klinika.

Umaabot na kasi sa halos 800 mga homeless ang nabakunahan at mayroon pang 400 ang nakapila para sa nasabing libreng vaccination.

Nauna nang binakunahan ang Santo Papa kasama si dating Pope Benedict noong Pebrero.