Binisita ni Pope Francis ang mga ilang mga simabahan na sinira ng ISIS militants sa Iraq.
Sa kaniyang makasaysayang pagbisita, nakipagpulong ito sa mga residente ng lungsod ng Mosul kung saan pinakinggan niya ang mga hinain at ang karanasan nila sa ilalim ng pamumuno ng Islamic State.
Nakita ng 84-anyos na Santo Papa ang mga nasirang bahay at simbahan ng sakupin ng ISIS mula 2014 hanggang 2017.
Nasira ang malaking bahagi ng lungsod ng itaboy ng mga Iraqi force at international military coalition ang mga ISIS.
Sakay ng helicopter ay nalungkot ang Santo Papa ng ikutin ang Mosul.
Sa kaniyang pagdarasal ay lagi nito ng ipinapaalala sa mga tao na masama ang magalit, pumatay at magdeklara ng giyera sa ngalan ng diyos.
Nagtungo rin ang Santo Papa sa Qaraqosh ang lugar kung saan marami ang Kristiyano na nilusob din ng mga ISIS fighter at binisita nito ang simbahan na ginawang firing range ng mga ISIS.
Pagkatapos noon ay nagsagawa ito ng misa sa Erbil ang capital ng autonomous Kurdistan region na dinaluhan ng mga tao sa stadium.
Sa kaniyang mensahe sinabi ni Pope Francis na mananatili sa puso nito ang Iraq.