-- Advertisements --
Plano ngayon ni Pope Francis na bumisita sa Iraq sa susunod na taon.
Isinagawa nito ang anunsiyo kasabay ng talumpati sa mga miyembro ng grupo ng charities na tumutulong sa mga Kristiyano sa Middle east at ibang lugar.
Nais kasi ng Santo Papa na siya ang unang Santo Papa na bibisita sa nasabing bansa.
Itinuturing ni Pope Francis na ang giyera at kaguluhan ay siyang nagiging sanhi ng paglayas ng mga Krisiyano sa Iraq at sa ibang mga bansa sa gitnang silangan.
Taong 2000 ng binalak ni Pope John Paul na bumisita sa Iraq subalit hindi ito natuloy matapos ang bigong negosasyon sa gobyerno na pinamumunuan noon ni Saddam Hussein.