-- Advertisements --

Kasalukuyang na-discharged na si Pope Francis ngayong Linggo ayon yan sa medical team ng Santo Papa.

Sa kabila ng pagkaka-discharged ni Pope Francis ay nangngailangan pa rin nitong sumailalim sa dalawang buwan na pahinga sa Vatican para mas mabantayan din ang kalagayan nito.

Matatandaan na nagumpisang ma-admit sa ospital ang Santo Papa simula nitong Pebrero 14 dahil sa severe respiratory infection na siyang naging pinakamalalang health issue nito sa kaniyang 12 taon na pagiging Santo Papa.

Samantala, ayon naman sa mga doktor na siyang tumingin at nagmonitor ng kalagayan ni Pope Francis sa loob ng opsital, mahihirapan umano ang kawatan nito na maging ‘fully healed’ dulot ng kaniyang edad. Maaaring magtagal din aniya ang maging proseso ng kaniyang katawan para maging fully recovered mula sa kaniyang naging karamdaman.

Sa ngayon ay nagpapahinga na ang Santo Papa at inabisuhan na huwag na munang dumalo sa mga malalaking pagtitipon o gumawa ng mga akyon na nangangailangan ng special effort.