-- Advertisements --
Dumating na sa Bulgaria si Pope Francis para sa kaniyang tatlong araw na pagbisita.
Sinalubong ito ni Prime Minister Boyko Borisov sa paliparan kung saan nakatakdang makipagpulong ang Santo Papa sa maliit na kumunidad ng mga katolika.
Bibisitahin din nito ang refugee camp sa North Macedonia.
Nanindigan naman ang Orthodox Church na hindi sila sasama sa joint prayers ng Santo Papa at sa halip ay magpapadala sila ng mga batang choir.
Inalmahan kasi ng ilang mga pari ng Orthodox church ang patuloy na pagdami ng mga kaso ng sexual abuse na kinasasangkutan ng mga pari.