Dumating na sa Jakarta, Indonesia si Pope Francis bilang bahagi ng kaniyang Asia-Pacific tour para isulong ang paglaban sa climate change.
Naging mainit ang pagsalubong sa 87-anyos pagkalapag ng sinakyang eroplano sa Soekarno-Hatta airport.
Kasama niya sa nasabing biyahe si Cardinal Luis Antonio Tagle ang Pro-Prefect for the Section of Evangelization of Dicastery for Evangelization ng Vatican.
Sa loob ng 10 araw ay magtutungo din ito sa bansang Singapore, Timor Leste at Papua New Guinea.
Nakatakdang pulungin ng Santo Papa ang mga opisyal ng Indonesia at makikibahagi ito sa inter-religiuos meeting sa Istiqla Mosque ang pinakamalaking mosque sa Southeast Asia.
Sinabi ni Indonesian President Joko Widodo na matagal na sana nilang inaasahan ang Santo Papa at naantala lamang ito dahil sa nagdaang pandemic.