-- Advertisements --
Handang kausapin ni Pope Francis si US President Donald Trump para sabihin na mali ang pagtatayo ng border walls.
Sinabi ng Santo Papa, na ang nasabing proyekto ni Trump ay naghihiwalay sa mga pamilya ng mga migrants.
Dagdag pa nito na nagdudulot ng sakit ng ulo at paghihirap ang pagtatayo ng mga border walls para lamang madepensahan ang teritoryo ng isang bansa.
Ang paghihiwalay din aniya ng mga bata sa kanilang mga magulang ay labag sa natural law.
Nauna ng nagkita sina Trump at ang Santo Papa noong 2017 kung saan ipinaliwanag ng US president na ang pagpapatayo ng borderwall ay siyang sulosyon para hindi makapasok ang mga iligal na droga.