-- Advertisements --

Handang lumuhod sa harap ng mga militar ng Myanmar si Pope Francis para matigil na ang kaguluhan.

Ito ang kaniyang pinakahuling apela sa mga Myanmar military mula ng makuha nila ang kontrol ng gobyerno.

Umaabot na rin sa mahigit 180 na protesters ang nasawi mula ng sumiklab ang kaguluhan noong Pebrero 1.

Binigyang halaga ng Santo Papa ang pag-uusap na siyang magreresolba ng anumang kaguluhan.

Taong 2017 ng bumisita ang Santo Papa sa nasabing bansa.