-- Advertisements --

Sa unang pagkakataon mula nang alisin ng Italy ang ipinatupad na coronavirus lockdown, hinarap ni Pope Francis ang mga health workers mula sa Italian region na pinakaapektado ng pandemya.

Sa pakikipag-usap ni Pope Francis sa mga doktor at nurses mula sa Lombardy region, nagpasalamat ito sa kanila dahil sa hindi matatawaran nilang ginawa noong krisis.

“You were one of the supporting pillars of the entire country,” wika ng Santo Papa. “To those of you here and to your colleagues all across Italy go my esteem and my sincere thanks, and I know very well I am interpreting everyone’s sentiments.”

Tinawag din ng Catholic pontiff ang mga health workers bilang mga “anghel”, na nagpahiram din ng kanilang mga cell phone sa naghihingalo nang mga pasyente para makapagpaalam sa kanilang mga mahal sa buhay.

Bagama’t unti-unti nang bumabalik ang Italy sa normal, pinaiiral pa rin ang social distancing at pagsusuot ng face masks sa pampublikong mga lugar.

Nasa halos 35,000 katao sa Italy ang namatay dahil sa deadly virus, ang ikaapat na pinakataas na bilang sa buong mundo sunod sa United States, Brazil at Britain.

Sa nasabing bilang, halos 170 sa mga ito ay mga doktor, at nagbigay ng pagpupugay sa kanila ang Santo Papa sa kanyang address nitong Sabado. (Reuters)