-- Advertisements --
image 59

Hindi makakasama si Pope Francis sa outdoor “Way of the Cross” bilang pag gunita ng Biyernes Santo ngayong taon dahil sa masamang panahon.

Ang temperatura sa Rome ay inaasahang aabot sa halos 10 degrees Celsius.

Sa halip na dumalo dito, ang pontiff ay dadalo na lamang sa Good Friday service doon sa St. Peter’s Basilica, Vatican.

Ito ang kauna-unahang hindi si Pope Francis ang mangunguna sa “Via Crucis” service simula noong taong 2013.

Kung matatandaan, kalalabas lamang ng Santo Papa sa ospital nitong linggo dahil sa sakit ng bronchitis.

Halos apat na araw ang Santo Papa sa ospital habang nagpapagaling sa kanyang karamdaman.

Samantala, sa darating na Easter vigil Mass ay pangungunahan na ito ni Pope Francis doon sa St. Peter’s Basilica.

Siya ay nakatakdang magbigay ng kanyang twice-annual “Urbi et Orbi” na mensahe sa St. Peter’s Square.