Hindi magpapagil si Pope Francis sa pagdalaw sa bansang Iraq.
Ayon sa Santo Papa na hindi niya bibiguhin ang mga Iraqi kung saan naipangako nito noong nakaraang taon na ito ay bibisita sa kanilang bansa.
Dagdag pa nito na noon pang panahon ni Pope John Paul II na ngayon ay Santo ay naghintay na ang mga Iraqis subalit hindi pinayagan si St. John Paul II noong 2000.
Tinawag naman ng Vatican ang biyahe ng Santo Papa bilang “an act of love”.
Sinabi ni Vatican spokesman Matteo Bruni na lahat ng pag-iingat ay kanila ng ginawa para matuloy na ang biyahe ni Pope Francis sa Iraq.
Bukod sa pakikipagpulong sa mga opisyal ng simbahan ng Iraq ay bibisitahin ng Santo Papa ang Immaculate Conception Church na ginawang shooting range ng mga ISIS at lahat ng mga nakalagay sa loob ng simbahan ay kanilang sinunog.