-- Advertisements --

Ikinatuwa ng Vatican ang tuluyang pagbuti ng lagay ng kalusugan ni Pope Francis.

Ayon sa Vatican na hindi na gumagamit ng mechanical ventilation ang 88-anyos ang Santo Papa.

Sa buong araw naman ay gumagamit pa rin ito ng high-flow oxygenation sa pamamagitan ng nasal cannulas at tinataasan na rin nila ang paggamit ng high-flow oxygen.

Kahit ganun pa man ay hindi pa nagbigay ang doctor ng go-signal para sila ay makauwi na.

Hindi naman matiyak ng Vatican kung makikibahagi ang Santo Papa sa lingguhang Angelus kahit sa online.

Magugunitang nitong Pebrero 14 ng itakbo ang Santo Papa sa pagamutan dahil sa pneumonia.