CAGAYAN DE ORO CITY – Bagamat pinaghugutan ng lakas ng karamihang Kristiyano subalit hinikayat pa rin ng mga opisyal ng simbahang Katoliko ang mga deboto nito na ipagdarasal sila habang nasa pagtupad ng kanilang mga bokasyon.
Kasunod ito ng pahayag ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown,D.D na malapit para kay Pope Francis ang lahing Filipinos lalo pa’t pangulo ng buong mundo ang Pilipinas sa mga bansa na malaki ang populasyon ng mga debotong Katoliko.
Sinabi ni Brown na kakaiba ang pananalig ng mga Kristiyanong Katoliko na nagmula sa bansang nakabase sa rehiyon ng Asya kaya itinalaga ito ni Santo Papa Francisco sa Pilipinas.
Subalit hiningi rin nito na isali sila ng mga deboto sa kanilang mga pagdarasal na makayanan nila ang sensitibong bokasyon na puno ng makabagong hamon ng panahon.
Magugunitang nitong buwan tumawid ang mga obispong Katoliko ng Catholic Bishops Conference of the Philippines kasama sina Brown at Vatican’s States Secretary Paul Gallagher,D.D sa Mindanao para isagawa ang taunang plenary session nitong taon.