Hinikayat ni Pope Francis ang mga political leaders ng Singapore na dapat magkaroon ng tmang pasahod sa mga foreign workers doon.
Sinabi ng 87-anyos na Santo Papa na dpaat mabigyan ng espesyal na atensyon ang mga mahihirap at may edad na.
Mahalaga din na mabigyan ng proteksyon ang mga dignidad ng migrant workers.
Isinagawa nito ang pulong sa mahigit na 1,000 na mga pulitiko at civil at religious leaders.
Giit pa ng Santo Papa na ang nasabing mga manggagawa ay may malaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng Singapore.
Mayroon kasing mahigit 1.1 milyon na mga foreign workers sa Singapore kung saan nasa halos 290,000 dito ay mga domestic workers at mahigit 441,000 na manggagawa sa construction at barko.
Karamihan sa mga dito ay galing sa kalapit na bansa ng Malaysia, China, Bangladesh,India at maging sa Pilipinas.