-- Advertisements --
Hinikayat ni Pope Francis ang mga taga Hungary na bukas nilang tanggapin ang mga nangangailangan na galing sa ibang bansa.
Ito ay kahit na taliwas sa paniniwala ni Hungary Prime MInister Viktor Orban na ang mga Muslim immigration ay makakasira ng kanilang heritage.
Nagsagawa ito ng misa sa ilang libong katao sa Heroe’s Square sa Budapest.
Ginamit nito ang imahe ng cross at sinabing ito ang simbolo ng pagyakap sa mga iba’t-ibang lahi mula sa ibang bansa.
Bukod kay Orban ay nakipagpulong din ang 84-anyos na Santo Papa kay President Janos Adner ng Hungary.