-- Advertisements --
Umapela si Pope Francis sa mga tao na magpabakuna laban sa COVID-19.
Sinabi nito na dapat magpasalamat ang lahat dahil mayroon ng naimbento ang tao ng bakuna laban sa COVID-19.
Ang nasabing bakuna aniya ay siyang tutulong para tuluyang matapos na ang pandemiya.
Ang nasabing pagpapabakuna ay maipapakita mo na mayroon kang pagmamahal sa kapwa tao para hindi sila mahawaan ng COVID-19.
Magugunitang maging si Pope Francis ay nagpaturok ng COVID-19 vaccine noong Marso.