Humarap na rin sa publiko sa kauna-unahang pagkakataon si Pope Francis makalipas ang anim na buwan mula nang ipatupad ang lockdown dahil sa COVID pandemic.
Naganap ang pagharap ng Santo Papa sa daan daang mga deboto sa courtyard ng San Damaso of Apostolic Palace para sa kanyang unang public general audience.
Kapansin-pansin na walang face mask o face shield ang Santo Papa.
Pero mahigpit naman ang naging pagbabantay sa mga pilgrims at limitado lamang.
Kailangan kasi nilang may suot na face mask at dadaan sa temperature procedure bago pumusto sa site.
Kinakailangan din ng mga tao na mag-obserba ng physical distancing.
Agaw pansin naman ang pagtigil ni Pope sa ilang mga bata, gayundin ang paghawak sa bandila ng Lebanon nang iabot sa kanya ng isang pari.
Inilapit ni Pope Francis ang Lebanese flag sa kanyang mukha saka hinalikan at sinabayan ng pag-aalay ng taimtim na pagdarasal.