Humiling si Pope Francis na makipagkita kay Russian President Vladimir Putin sa Moscow para kumbinsihing itigil na ang giyera sa Ukraine.
Nauna rito, tatlong linggo matapos sumiklab ang giyera sa Ukraine kasunod ng pagsalakay ng Russian forces binisita ni Pope Francis ang Russian embassy at hiniling sa top diplomat na magpadala ng mensahe kay Putin.
Sa mensahe ni Pope Francis kay Putin, sinabi ng Santo Papa na willing siyang magtungo sa Moscow subalit hanggang sa ngayon ay wala pa ring tugon ang kremlin leader.
Ipinangangamba din ng Santo Papa na hindi aniya papayag si Putin na makipagpulong sa ngayon.
Ayon kay Pope Francis na siya at ang Patriarch Kirill ng Russian Orthodox Church ay pastors ng iisang Diyos kung kayat ginagawa sila ng paraan para magkaroon ng kapayapaan at matigil ang putukan at tutol na maging kasangkapan bilang “altar boy” ni Putin.
Sa pakikipagkita ng Santo Papa kay Viktor Orban noong Abril 21, sinabi aniya ng Hungarian prime minister kay Pope Francis na plano ng Russia na tapusin ang giyera sa Mayo 9 na kasabay ng anibersaryo ng paglaya ng Russia sa pagtatatpos ng World War II.
Subalit nauna ng itinanggi ni Russian Foreign Minister Sergei Lavrov na walang kinalaman ang anibersaryo ng Rssian liberation sa military operations ng Moscow sa Ukraine.