Humingi si Pope Francis sa mga mananampalataya na ipagpatuloy ang pagdarasal sa kaniya.
Ito ang kaniyang ipinadalang mensahe sa tradisyonal na Angelus prayer sa Vatican.
Sa magkasunod na dalawang linggo ay hindi na ito nakadalo sa nasabing pagpapadasal.
Sa kaniyang mensahe, patuloy ang kaniyang pagpapagaling sa Gemelli Hosptial sa Roma.
Hindi nito nakalimutang pasalamatan ang kaniyang mga doctors at health workers sa pagamutan ganun din ang mga well-wishers na nagpadala ng mensahe.
Mula ng madala sa pagamutan ang 88-anyos na Santo Papa ay nagsagawa ang mga mananampalataya ng vigil.
Una ng sinabi ng mga doctor nito na kailangan ng Santo Papa ng blood transfusions dahil sa mababang platelet count nito na iniuugnay sa anemia.
Bukod pa dito ay kailangan pa rin niya ng “high flow” ng oxygen dahil sa hirap nitong paghinga.
Magugunitang noong Pebrero 14 ng itakbo sa pagamutan ang Santo Papa dahil sa bronchitis at ito ay lumala na naging pneumonia sa magkabilang baga.