-- Advertisements --

Ibinunyag ngayon ni Pope Francis na mayroong dalawang pagtatangka sa kaniyang buhay noong taong 2021.

Nangyari aniya ito noong bumisita siya sa Iraq.

Ayon sa Santo Papa na binalaan na siya ng British security services na mayroong isang babaeng suicide bomber ang nagtangkang lumapit sa kaniya.

Agad itong naharang ng mga kapulisang ng Iraq at kanilang pinasabog ang nasabing bomba.

Isang insidente naman ay mayroong sumabay sa kanila na mabilis na sasakyan na mayroong intensyon na banggaain ang sinasakyan niya.

Magugunitang itinuturing ng Vatican na ang pagbisita noon ng Santo Papa ay isang pinaka-delikadong pagbisita dahil sa bukod sa security reason ay kasalukuyang nagaganap ang COVID-19 pandemic.

Subalit desidido ang 88-anyos na Santo Papa na puntahan ang Iraq dahil ito ay kabilang sa kasaysayan sa bibliya.