-- Advertisements --
Labis na ikinalungkot ni Pope Francis ang pagkamatay ng mag-amang Salvadorian na nalunod na nagtangkang tumawid patungong U.S.
Sinabi ni Vatican spokesman Alessandro Gisotti, matapos na makita ng Santo Papa ang larawan ng nasawing mag-ama ay nalungkot ito.
Nagpaabot agad ito ng pagdarasal para sa mga bansa na tanggapin ang mga migrants.
Magugunitang nag-viral ang larawan ni Oscar Alberto Martinez Ramirez at 23-month anak nitong si Valeria na wala ng buhay habang nasa Rio Grande river.