Tinuldukan na ni Pope Francis ang legal privilege ng mga bishops at cardinals sa pamamagitan ng motu propio decree na nagpapawalang-bisa sa probisyon sa ilalim ng civil criminal code ng Vatican na nagbibigay ng special treatment sa mga ito.
Sa ngayon kasi, tanging ang Court of Cassation o itinuturing na supreme court ng Vatican lamang na binubuo ng mga cardinal at iba pang high-ranking clergy ang may hawak sa mga kaso ng mga cardinals at bishops na akusado sa criminal offenses.
Habang sa ilalim ng bagong sistema, inaasahang magiging epektibo mula Mayo 1 ay mabibigyan ng pagkakataon ang mga regular criminal court system ng Vatican na binubuo ng civilian judges sa halip na mga naordinahang mga pari para magbigay ng hatol sa mga akusadong senior officials.
Layunin ng naturang reporma na mabigyan ng patas na karapatan ang lahat ng miyembro ng simbahang Katolika sa sumailalim sa parehong proseso ng imbestigasyon.
Magbibigay daan din ito para mapanagot ang mga senior church officials sakaling mapatunayang sangkot sa maling gawain partikular na sa financial crimes.
Nauna nang sinibak ng Santo Papa noong nakaraang taon si Cardinal Angelo Becciu bilang head ng Sainthoods Department ng Vatican dahil sa umano’y alegasyong embezzlement at nepotism, na itinanggi naman ng cardinal. (with reports from Bombo Everly Rico)