-- Advertisements --
Inanunsyo ni Pope Francis na ipagdiriwang ng Simbahang Katolika buong mundo tuwing buwan ng Hulyo ang araw ng mga lolo’t lola at mga matatanda.
“Grandparents are often forgotten,” wika ng 84-anyos na Catholic pontiff sa pangunguna nito sa lingguhang Angelus prayer sa Apostolic Palace.
“Grandparents are the link between generations, to pass on to the young the experience of life and faith.”
Paglalahad ng Santo Papa, ang World Day for Grandparents and the Elderly ay isasagawa sa ikaapat na Linggo ng Hulyo kada taon.
Ayon sa Vatican, pangungunahan ni Pope Francis ang evening mass sa Hulyo 25 sa St Peter’s sa unang World Day, pero nakasunod pa rin sa mga ipinatutupad na coronavirus restrictions. (AFP)