Nagkausap sa telepono si US President Joe Biden at Pope Francis.
Ayon sa White House, tinalakay ng dalawa ang pagpapalaganap ng kapayapaan ngayong Holiday season.
Pinasalamatan naman ni Biden ang Santo Papa dahil sa patuloy ang adbokasya nito para mabawasan ang paghihirap sa buong mundo.
Kasama na rin ang pagpupursige ng Santo Papa para isulong ang karapatang pantao at protektahan ang religious freedoms.
Tinanggap din ni Biden ang imbitasyon ng Santo Papa na magtungo sa Roma sa darating na Enero 9-12.
Habang nasa Rome ay magkakaroon din ng hiwalay na pakikipagpulong ang US President kina Italian President Sergio Mattarella at Italian Prime Minister Giorgia Meloni.
Ito na ang maaaring huling pagkakataon na magkita sina Pope Francis at Biden bilang pangulo ng US dahil sa nakatakda ng magtapos ang termino nito sa Enero 20 na papalitan siya ni US President elect Donald Trump.