-- Advertisements --
pope francis balcony
Pope Francis during the Angelus prayer at St. Peter’s square in the Vatican

Espesyal na ipinagdasal ni Pope Francis ang mga biktima ng bagyong Ursula na nanalasa sa Pilipinas.

Isinagawa ng Santo Papa ang pagdarasal kasabay ng Angelus address sa St. Peter’s Square sa Vatican City na dinaluhan ng mahigit 25,000 katao.

Matapos ang maikling pagdarasal sa Angelus at alay kay St Stephen’s Day, sumunod na binanggit ng Santo Papa ang ganito: “I unite myself to the suffering that has hit the beloved people of the Philippines because of the typhoon. I pray for the numerous victims, the wounded, and for their families.”

Hiniling nito sa mga dumalo na magdasal ng “Hail Mary” para sa mga Filipino “for these people whom I love.”

Umaasa naman ito na agad na makabangon ang mga nabiktima ng panibagong kalamidad.

Sa ngayon halos 30 na ang naitatalang namatay dahil sa bagyong Ursula at meron pang ilang mga missing matapos na halos walong beses na mag-landfall na nagsimula nitong nakalipas na Disyembre 24.

pope francis blessings ursula
Pope Francis during the Angelus prayer at St. Peter’s square in the Vatican