-- Advertisements --
Nanawagan nang pagdarasal si Pope Francis bilang alay sa mga bikitma ng coronavirus.
Ayon sa Santo Papa, mahalaga na ipagdasal ang mga biktima partikular na ang mga nasa China kung saan karamihan sa mga nadapuan doon ng COVID-19 ay namatay.
Ipinagdasal din nito na agad na malampasan ng mga tao doon ang hamon at sila ay gumaling na rin maging ang mga nadapuan ng virus sa iba’t ibang panig ng mundo.
Magugunitang nasa mahigit 1,000 na ang namatay sa virus at mahigit 45,000 na rin ang nadapuan ng coronavirus.