Isinagawa ni Pope Francis sa pamamagitan ng livestream ang kaniyang lingguhang pagdarasal sa Vatican.
Kasunod ito sa pagtaas ng bilang ng mga nadadapuan ng coronavirus sa Italy.
Desisyon ito ng 83-anyos na Santo Papa para hindi na magsipagsiksikan ang mga deboto at maiwasan ang pagkalat ng virus.
Sa kaniyang mensahe, ipinagdarasal niya ang mga nadadapuan ng virus lalo na sa Italy na inilagay sa lockdown ang tinatayang 10 milyong mamamayan dahil sa paglobo pa ng bilang ng mga pasynete.
Nanawagan din ito na huwag mawalan ng paniniwala at magdasal palagi para malabanan ang deadly virus.
Samantala una nang nag-anunsiyo ang Vatican na lahat ng mga major papal events na palagong bukas sa publiko kabilang ang Sunday Angelus at Wednesday general audience, ay isasara muna sa loob ng dalawang linggo.
Kabilang na rito ang March 8 Sunday Angelus address ni Pope, ang kanyang March 11 general audience ay kukunan lamang ng live mula sa library ng Vatican’s apostolic palace sa halip na sa St. Peter’s Square.
Gayunman ang naturang event ay ipapalabas sa giant maxi-screens sa Vatican Square para doon sa mga pilgrims na nais manood.
“These decisions were deemed necessary to avoid the risk of spreading the COVID-19 virus due to the assemblies during security checks required to access the square, as is requested by Italian authorities,” bahagi ng Vatican statement.