Agaw atensiyon sa ginanap na espesyal na blessing ni Pope Francis sa walang katao taong St. Peters Square sa Vatican ang masidhing pagdarasal ng Santo Papa sa harap ng isang larawan at crucifix.
Matapos ang isinagawang mensahe na tinaguriang Urbi et Orbi na ang ibig sabihin “to the city and the world” tinungo ng Santo Papa ang makasaysayang larawan ng Salus Populi Romani (health of the Roman people) para mag-alay ng special prayers.
Ang icon ay nakatago ito sa Basilica of Saint Mary Major pero inilabas ito para lamang sa espesyal na okasyon.
Batay sa mga kuwento ang painting o Salus ay gawa ni St. Luke.
Mula raw ng dumating ito sa Roma noong 6th century, ang Salus ay matagal nang kinukunan ng inspirasyon ng mga Romano sa panahon ng health crisis.
Batay sa tradisyon noong huling bahagi ng 6th century si Pope Gregory I ay inilibot niya ang larawan sa mga kalsada ng Roma upang ipanalangin ang pagtatapos ng Black Plague na pumatay sa milyong katao.
Maging si Pope Gregory 16th noong 1837 ay nagdasal din sa imahe para matigil noon ang cholera outbreak.
Ang kahoy namang crufix na dinasalan din ni Pope Francis ay nakilala rin bilang milagroso ay ginawa ito noon pang 15th century noong panahon ni St. Marcellus.
Ang “miraculous crucifix” mula sa St. Marcellus church na nasa Via del Corso ay isang mataong shopping street.
Noong taong 1522, ang crucifix ay inilibot sa prusisyon sa buong Roma sa loob ng 16 days habang nasa kalagitnaan ng matinding virus outbreak.
Kung maalala ang Italya ngayon ang itinuturing na epicenter ng coronavirus dahil sa napakarami ng namatay na lumampas na sa 10,000.