Binigyang halaga ni Pope Francis sa kaniyang misa sa pagdiriwang ng Divine Mercy Sunday ang kahalagahan ng mga Kristiayano na magsilbi sa iba.
Sa kaniyang misa na ginanap sa Church of Santo Spirito sa Sassia na dapat huwag mabuhay ang mga tao na may hiwalay na paniniwala at maging bulag sa anumang pangangailangan ng bawat isa.
Kasama ng 84-anyos na Santo Papa ang ilang mga pari na itinalaga bilang “Missionaries of Mercy” noong Jubilee Year of Mercy 2016.
Nasa 80 katao lamang ang inimbitahan sa misa kabilang ang mga inmates mula sa tatlong prison facility ng Roma sa Regina Caeli, Rebibbia Female at Casal del Marmo.
Kasama rin ang mga nurses mula sa kalapit na pagamutan, pamilya ng mga migrants mula sa Argentina at mga batang refugees ng Syria, Nigeria at Egypt.