-- Advertisements --
Pope Francis 2
Pope Francis / IG post

Idineklara ni Pope Francis ang kanyang suporta sa pagsasama ng parehas na kasarian o ang same-sex couples.

Sinabi nito na ang mga taong homosexual ay may karapatan din sa pamilya dahil sila ay anak din ng Diyos.

Aniya, hindi dapat silang ipagtabuyan o sila ay kutyain.

Kailangan lamang ng gumawa ng civil union law kung saan sila ay magiging legal.

Ito ang unang pagkakataon na direktang pinaburan ng Santo Papa ang same-sex couples.

Isinagawa nito ang pahayag sa bagong documentary film na “Francesco” na inilabas sa Roma.

Isa lamang aniyang alternatibo ang same-sex civil unions na binabalangkas ngayon sa Argentina ang pagsasa-ligal ng same-sex marriage.