-- Advertisements --

Nakatakdang kumatawan si Filipino Cardinal Luis Antonio Tagle kay Pope Francis sa July 17 hanggang 21 sa National Eucharistic Congress sa United States.

Ang 10th National Eucharistic Congress ay naglalayong pagsama-samahin ang Simbahang Katoliko sa US para sa isang pambansang pagdiriwang ng misteryo ng Eukaristiya sa buhay ng Simbahan kasama ng mga obispo ng Estados Unidos.

Kung maaalala, ang huling National Eucharistic Congress sa US ay ginanap noong 1941.

Si Tagle na pro-prefect ng Dicastery for Evangelization, ay “magdiriwang ng closing Mass of the 10th National Eucharistic Congress. “

Sa isang pahayag, sinabi ni USCCB president Archbishop Timothy Broglio na ang appointment ni Tagle ay “regalo ni Pope Francis sa Eucharistic Congress.”

Sinabi niya na “kilalang-kilala ni Tagle ang Estados Unidos” matapos makakuha ng doctorate sa theology sa The Catholic University of America noong 1991.