-- Advertisements --

Itinuturing ni Pope Francis na isang paglabag sa karapatang pantao ang pagpapakalat ng fake news at maling impormasyon tungkol sa COVID-19.

Ito na ang pangalawang beses na nagsalita ang Santo Papa tungkol sa nasabing usapin.

Noon kasing tatlong linggo ang nakalipas ay kinondina nito ang ‘baseless’ ideological misinformation tungkol sa COVID-19 vaccine.

Nagbigay rin ito ng suporta sa national immunization campaign at nanawagan ng health care bilang moral obligation.

Dapat hindi mangibabaw aniya ang mga naniniwala sa fake news at mangibabaw pa rin ang siyensiya.