-- Advertisements --
Binatikos ni Pope Francis ang dalawang kumakandidato sa pagkapangulo sa US na sina Vice President Kamala Harris at dating Pangulong Donald Trump.
Sinabi nito na dapat ang mga botante ay pumili ng “lesser of two evils”.
Tinawag pa ng Santo Papa ang dalawa bilang umaayaw sa mga buhay.
Hindi kasi gusto ng 87-anyos na Santo Papa ang anti-migrant policy ni Trump ganun din ang pagsuporta ni Harris sa abortion right.
Dagdag pa nito na dapat na ang mga botante na may konsiyensiya ay pag-isipang mabuti kung sino sa dalawa ang pipiliin.
Isinagawa ng Santo Papa ang pahayag habang ito ay nasa Papal plane pabalik na sa Vatican matapos ang 12-araw na pagbisita sa mga bansang Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste at Singapore.