-- Advertisements --
Kinansela ni Pope Francis ang kanilang meeting ngayong Lunes dahil sa nakaranas ito ng bahagyang trangkaso.
Ayon sa Vatican na kinailangan lamang ng 87-anyos na Santo Papa ng pahinga.
Huling humarap ito sa audience ay noong Linggo ng isagawa ang Angelus prayer.
Nitong Sabado rin ay kinansela ng Santo Papa ng pulong publiko dahil sa parehas na dahilan.