Nanawagan si Pope Francis na tulungan ang ilang libong mga marino na labis na naapektuhan ng coronavirus pandemic.
Sa kaniyang special video message para sa mga sea workers na ang kanilang trabaho ay mahalaga kasama ang mga mangingisda dahil sila ang nagdadala ng mga pagkain sa mundo at ilang mga kakailanganin.
Pinuri din ng Santo Papa ang mga sakrispisyo ng mga marino dahil sa kahit na tagal nilang hindi nakakasama ang kanilang pamilya ay patuloy pa rin silang lumalaban.
Umaabot na kasi sa 90% ng mga kalakal sa buong mundo ay inihahatid sa pamamagitan ng mga sasakyang pandagat at ito ay naapektuhan dahil sa mga travel ristrictions bunsod ng pandemic.
Nauna rito ibinunyag ni Secretary-General for United Nation International Maritime Organization Kitack Lim na may ilang mga marino ang nakatingga na sa dagat ng 15 buwan.