Mariing kinondena ni Pope Francis ang abortion o pagpapalaglag kahit pa raw na may sakit ang fetus o may pathological disorders ito.
Inihayag ng santo papa ang kanyang saloobin patungkol sa nasabing issue matapos ipasa ng ilang Conservative states tulad ng Alabama, Georgia at Missouri na lilimitahan nito ang pagpayag na sumailalim ang mga kababaihan sa abortion.
Hindi naman ito nagustuhan ng mga anti-abortion activists at umaasa silang muling ikokonsidera ng Supreme Court na tuluyang ipagbawal ang pagpapalaglag.
Hinikayat niya rin ang mga doktor na tulungan ang mga kababaihan na gawin ang lahat upang maisalba ang batang nasa kanilang sinapupunan.
Ayon sa santo papa, kahit kailan daw ay hindi magiging sagot sa problema ang pagpapalaglag.
Dapat din daw ituring na regalo mula sa Diyos ang mga bata dahil karapatan umano ng bawat isa ang mahalin, alagaan at mabuhay sa mundong ito.