Kinondena ni Pope Francis ang lahat ng anyo ng anti-Judaism at anti-Semitism, at binansagan ang mga ito na “sin against God”, matapos nito mapansin ang pagdami ng mga pag-atake laban sa mga Hudyo sa buong mundo.
Ayon sa pahayag ng Santo Papa sa Jewish population sa Israel, “(The Church) rejects every form of anti-Judaism and anti-Semitism, unequivocally condemning manifestations of hatred towards Jews and Judaism as a sin against God,”
Dagdag pa nito, “Together with you, we, Catholics, are very concerned about the terrible increase in attacks against Jews around the world. We had hoped that ‘never again’ would be a refrain heard by the new generations,”
Matatandaan na si Francis, 87, ay kinondena ang Hamas noong Oktubre 7 dahil sa cross-border attack nito mula Gaza patungo sa timog ng Israel. Sinabi rin niya na ang two-state solution ay kailangan para tapusin ang Israeli-Palestinian conflict.