-- Advertisements --
Nag-alay nang panalangin si Santo Papa Francisco sa nangyaring suicide bomb attack sa labas ng Catholic church sa Makassar, Indonesia.
Nangyari ang pagsabog nang sinubukan ng dalawang suspek na pumasok sa simbahan na ikinasugat ng 14 katao.
“Let us pray for all the victims of violence, especially those of this morning’s attack in Indonesia, in front of the Cathedral of Makassar,” ani Pope sa kanyang Sunday Angelus sa Vatican.
Nakita sa crime scene ang mga nasirang motorbike at body parts na pinaniniwalaan ng mga police na pagmamay-ari ng mga suspek.
Nauna nang kinondena ni Indonesia’s President Joko Widodo ang nangyaring pang-aatake at tinawag na “act of terror” at radicalism.